3 taon termino sa AFP chief

BIBIGYAN na lamang ng tatlong taon termino ang bawat chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ito ay makaraang makalusot sa ikalawang pagbasa sa Mababang Kapulungan ang House Bill No. 6, kasama ang pito pang mahahalagang panukalang batas na nagtatakda ng tatlong taong termino sa AFPCOS na magsisimula sa araw na itinalaga sila ng Pangulo ng Pilipinas, at hindi kung kailan sila kinumprima ng Commission on Appointment.

Ayon kay Rep. Rodolfo G. Biazon, layunin ng panukala na mabigyan ng seguridad ang bawat maitatalagang AFPCOS na matatapos ang bawat programang nasimulan na walang dapat isaalang-alang.

Maging sa pagpili ng itatalagang AFPCOS ay maliligtas na rin sa pamumulitika at ang kakayahan, kagalingan at kaalaman sa posisyon na lamang ang pagbabatayan, ayon kay Biazon, chairman ng House Committee on National Defense and Security.

Nakasaad sa panukala ni Biazon na ipagbabawal na ang pagtatalaga ng COS kung ang nabanggit na opisyal ay mayroon na lamang isang taon sa serbisyo. Hindi rin maaaring palawigin ang kanyang terminong tatlong taon, maliban na lamang kung may giyerang nagaganap o di kaya ay idineklara ng Kongreso.

Kung ang naitalagang COS ay abutan ng pagreretiro, mangingibabaw ang isasabatas na tatlong taong termino, kung saan kailangang tapusin ang tatlong taon bago  sila magretiro.

Ngunit nilinaw din sa panukala na bilang Commander-in-Chief, may karapatan ang Pangulo ng Pilipinas na tanggalin sa puwesto ang naitalagang COS kung nawalan na ng tiwala ang Pangulo sa kanya.

Ang pito pang panukalang nakalusot na rin sa ikalawang pagbasa sa plenaryo ay ang HB 988 na nagdedeklara sa buwan ng Enero bilang “Liver Cancer and Hepatitis-B awareness and Prevention Month; HB 4095 na nagtatalaga sa July 25 ng bawat taon bilang National Campus Press Freedom Day; HB 4115 na magbibigay proteksiyon sa pribadong impormasyon ng bawat mamamayan; at HB 3677 na nagdedeklara sa ika 17th ng Nobyembre ng bawat taon bilang National Students’ Day;  Ang HB 406, na nagkakansela sa Section 21 ng Republic Act 10121 o ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010, HB 4075 na nag-aatas na dumaan sa ocular prophylaxis ang mga bagong panganak na sanggol; at HB 4069 na naglalayong isaayos at gamitin sa mas makabuluhang bagay ang nakokolekta mula sa Motor Vehicle User’s charge law.  Beth Aragon

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply