30 Pinoy seafarers stranded sa Fukishima

TINATAYANG 30 Filipino seafarers ang stranded ngayon sa isang hotel sa Fukushima, Japan, kasunod ng pagtama ng lindol at tsunami nitong nakaraang araw.

Kinumpirma ni Philippine Ambassador to Japan Manolo Lopez na nakarating na sa kanila ang nabanggit na impormasyon at kaagad na umano silang nakipag-ugnayan sa awtoridad para sa agarang paglikas ng mga kababayan.

Ang Fukushima ay isa sa mga matinding naapektuhan ng lindol kung saan naroroon din ang Fukushima Daiichi nuclear power plant na sinasabing nagkakaroon ng “radiation leak.”

Ang nabanggit na mga tripulanteng Pinoy ay nagtatrabaho umano sa cargo ship na “Coral Ring ” na naka-base sa Onahama, Japan.

Sa kasalukuyan umano ay wala pang tulong sa kanila ang kanilang employer na Mercurity Shipping Corporation.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply