30 Pinoy seamen naligtas na sa Japan

NA-RESCUE na ang 30 pinoy seamen na na-stranded sa Fukushima, Japan.

Ang naturang mga seaman ay naipit malapit sa may nuclear plant kung saan pinangangambahan na nagkaroon ng radiation leak.

Sakay ng isang bus papuntang Narita Airport ang mga tripulante dakong 3:30 nang madaling-araw ng Lunes, ika-14 ng Marso.

Ayon sa DFA, ang pinoy ay dinala ng kanilangng kompanya sa Fukushima matapos ang 8.9 magnitude na lindol noong Biyernes.

Maliban sa 30 seamen ay nakatutok din ang embahada ng Pilipinas sa kaligtasan ng may 4,500 Pilipinong nakatira sa Northeastern Japan kabilang na ang Sendai City na lubhang tinamaan ng naturang lindol at malakas na tsunami noong Marso 11, 2011. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply