3,000 OFWs sa Madagascar, delikado sa malaria

TALAGANG minamalas ang mga Pilipino sa ibayong dagat dahil isang lugar sa Africa ang inatake ng malaria na naging malaking banta para sa mga manggagawa.

Hindi pa man natatapos ang paglilikas ng mga Pinoy sa Libya, may panibagong problema na namang susuungin ang pamahalaan.

Noong Linggo, isang eroplano ng Orient Thai Airways na may lamang 510 OFWs ang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport ng hindi inaasahan.

Sila ay mga manggagawang Pinoy na nagmula sa Madagascar, kung saan nagkaroon ng malaria outbreak sa kanilang pinagtatrabahuhan.

Ayon sa Overseas Workers Welfare Adminiitration (OWWA), humigit-kumulang sa 3,000 OFWs ang kasalukuyang nasa Madacascar, isang isla sa kontinente ng Africa na mayaman sa nickel.

Subali’t nagulo ito makaraang magkaroon ng malaria ang lugar. Ayon sa ulat, 16 na Pinoy na ang tinamaan ng sakit.

Ikinabahala naman ito ng Department of Foreign Affairs, na nagpadala ng kanilang kinatawan mula sa embahada ng Nairobi, Kenya.

Inaalam pa ngayon kung may kumpirmasyon ang sinasabing report na 16 OFWs na nagtatrabaho sa Kentz Engineers and Constructors ang apektado ng malaria.

Humingi na ng tulong ang embahada ng Pilipinas sa World Health Organization na naka-base sa Madacascar kaugnay sa mga ulat na mayroong malaria outbreak sa kinaroroonan ng OFWs. Benny Antiporda

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply