Heat kinapos sa Magic

ALAM na ng Orlando Magic kung paano talunin ang Miami Heat.

Sa third quarter gumana ang mahika ng Orlando matapos habulin ang 24 puntos na lamang ng Heat.

Nagtala ang Magic ng 40-9 run upang payukuin ang Heat, 99-96, at manatili sa segundo puwesto sa Eastern Conference Southeast Division na may 40-22 win-loss card sa pagpapatuloy ng 2010-11 National Basketball Association regular season.

Tumikada si Jason Richardson ng 24 puntos, tatlong rebounds at dalawang assists para sa Orlando na naghabol sa 73-49 matapos ang dunk ni Heat star player LeBron James may 8:57 minuto pa ang nalalabi sa third canto.

Si point guard Jameer Nelson ang pumangalawa sa scoring para sa Magic na may 16 puntos, pitong assists at isang board, sinundan ito ni Ryan Anderson na nagtala ng 15 puntos at limang rebounds.

Dinomina naman ni Magic star center Dwight Howard ang rebounds matapos umagaw ng 18 at nagmarka ng 14 puntos.

Nagpahayag si Heat coach Eric Spoelstra na makababawi sila sa susunod na laban.

Nanguna sa opensa ng Heat si James na may 29 puntos, anim na boards at apat na assists habang 28 puntos ang ginawa ni Dwyane Wade. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply