33 katao nagtapos sa Tesda training

PUNUNG-PUNO ng pag-asa ang unang grupo ng trainees na nakapagtapos sa joint training program na pinagtambalan ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig, Barangay Fort Bonifacio, Technical Education Skills Development Authority (TESDA) at Fort Bonifacio Development Foundation, Inc. (FBDFI).

Umabot sa 33 graduates ng National Certification Program for Carpentry and Masonry ang nabigyan ng certificates of completion mula sa TESDA sa isang simpleng graduation ceremony na isinagawa sa Sitio 3, Barangay Fort Bonifacio noong Marso 4, 2010.

Nasaksihan ito mismo ni Taguig City Mayor Lani Cayetano na labis na natuwa matapos makita ang mga nagsipagtapos sa kursong carpentry at masonry ang mga nagtapos sa maikling programa na sinimulan ni Fort Bonifacio Captain Lino Cayetano.

Nagsimula ang training mula January 25 at nagtapos nung February 25. “Ako po ay natutuwa sa mga mukhang aking nakikita sapagkat ito ay mukha ng pag-asa, mukha ng kaligayahan na sa wakas nakatapos kayo ng kursong ito at nagbigay ng panibagong pagkakataon na maiahon sa kahirapan ang pamilya ninyo,” pahayag ni Mayor Cayetano, ang pinakabatang mayor ng isang urbanisadong lungsod sa bansa.

Matapos ang graduation, ipinagkaloob ng mga trainees sa naturang barangay sa pamumuno ni Barangay Captain Lino Cayetano ang multi-purpose facility na inayos at pinaganda ng mga ito sa panahon ng kanilang training.

“Ito po ay simbolo ng bayanihan na ating nakamit sa ating komunidad. At isang paghamon po ito sa mga graduates natin ngayon huwag sayangin ang magandang oportunidad na ipinagkaloob sa atin ng FBDC at Ayala Land,” sinabi ni Mayor Cayetano.

Ayon kay Kapitan Lino, ang naturang training program ay nasimulan matapos mangako si TESDA Secretary Emmanuel Joel Villanueva noong ika-16 na Founding Anniversary ng TESDA na ginanap sa Barangay Nabatid na bibigyang prayoridad ang pagsasanay ng mga Taguigeno para magkatrabaho.

Ang naturang training program ang  magbibigay ng kasanayan sa mga taong kumuha nito upang sila’y makapagtrabaho sa mga construction sites sa Fort Bonifacio Global City (BGC).

Tiniyak ni Manuel A. Blas II, Managing Director ng Fort Bonifacio Development Foundation, Inc., na ang mga kwalipikadong gradutes ay agad na tatanggapin ng mga katuwang nilang contractors na may mga proyekto sa BGC.

“Ang training na ito na base sa TESDA ay nagbigay ng sapat na kaalaman sa mga kabataan ukol sa pagiging karpentero at mason. Sa kanilang pagtatapos, aming ire-refer sila sa mga proyekto naming ngayon sa Bonifacio Global City upang magkaroon ng trabaho,” sinabi ni Blas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply