Nasasawi sa Japan earthquake aabot sa libo: 45 bansa tumulong

AABOT sa libo katao ang kumpirmadong namatay sa naganap na malakas na lindol at sinundan pa ng nakakatakot na 10 metrong tsunami sa Japan kahapon, Marso 11.

Dahil dito, iniutos ni Prime Minister Naoto Kan ang forced evacuation sa paligid ng isang nuclear power plant matapos magkaroon ito ng maliit na radiation leak.

Pinalawak na ang evacuation zone ng hanggang sampung kilometro mula sa naturang pasilidad.

Nauna ng pinalikas ang may 3,000 katao na nakatira sa paligid nito.

Bunsod nito, nagpadala ng coolant ang Estados Unidos makaraang humingi ng tulong ang Japan dahil sa nararanasang init na umabot sa isang nuclear rod ng naturang power plant.

Nagpadala ng kanilang tulong ang 45 bansa sa Japan kung saan ang ay China ay magpapadala na ng mga rescuers.

Ayon naman kay U.S. President Barack Obama, handa ang kanyang bansa na tumulong sa anumang paraan na hihingin ng bansang Japan. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply