Sasakyang lumiyab sa bahay, 6 patay

ANIM na katao ang namatay habang nasa kasarapan ng kanilang tulog nang lumiyab ang isang sasakyan dahilan ng pagkasunog ng dalawang palapag na gusali sa Quezon City, Lunes ng madaling araw,  Marso 14.

Sa inisyal investigation ng Bureau of Fire Protection (BFP), naganap ang sunog bandang 2:55 ng madaling araw sa garahe ng pamilya Zedilla, sa Marunong St., Barangay Central, Quezon City.

Ang mga biktima ay kinilala ni Chief Inspector Alma Abacahin, hepe ng arson unit ng BFP na sina Dra. Susan Zedilla at Elison Zedilla, mag-asawa; ang mga anak na sina Patricia Zedilla, 17, student ng University of the Philippines (UP); Janina Zedilla, 19, graduating student ng Business and Art sa De La Salle University (DLSU); at ang dalawang kasambahay na sina Anna de Leon, 27; at Lenlen de Leon, 30.

Ang nasabing sunog sy umsbot sa ikatlong alarma kung saan 90 posiyento ng naturang gusali ay natupok ng apoy dahil sa mga light material ng bahay tulad ng sahig at kisame na gawa sa kahoy.

Lumitaw sa pagsisiyasat na nagsimula ang sunog sa loob ng garahe kung saan isang Starex van ang lumiyab hanggang sa sumiklab din ang katabing sasakyan na Nissan Terrano at lamunin ang buong kabahayan.

Natagpuan ang mga biktima na nakhiga pa sa kanilang higaan ngunit wala ng buhay dulot ng pagkakalanghap na carbon monoxide mula sa nasusunog na bahay.

Patuloy ang isinasagawang pagsisiyasat ng mga tauhan ng BFP upang matukoy kung may naganap na foul play sa nasabig sunog. James de Jesus/Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply