Cardinal Rosales nanawagan na gumawa ng maraming trabaho

HINIMOK ni Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales ang pamahalaan na lumikha ng mas maraming lokal na trabaho sa bansa.

Ito ay bahagi ng kanyang ipinahayag sa matapos ang “concelebrated Mass” na kanyang pinangunahan para sa mahigit 10 milyong overseas Filipino worker (OFW) nitong Linggo.

Ayon sa Cardinal, ito ay upang hindi na magtrabaho sa ibang bansa ang mga Filipino.

Sinabi pa ni Rosales, mas mabuti pa rin na sa Pilipinas lamang magtrabaho ang mga Pinoy upang mabigyan ng sapat na panahon ang kanilang pamilya dahil aniya, hindi na masusubaybayan ng personal ng mga magulang ang kanilang pamilya kung sila’y magtatrabaho sa ibang bansa.

Matatandaang una nang nagpahayag ng pangamba ang Simbahan na maraming pamilyang Pinoy ang mawawasak dahil napipilitan ang mga magulang na magtrabaho sa ibang bansa bunsod ng kahirapan sa Pilipinas.

Nananawagan ang Cardinal sa pamahalaan na gawin ang lahat upang magkaroon ng trabaho sa bansa ang mga Pinoy.

Ipinaliwanag din ni Rosales na isang indikasyon na masama ang lagay ng ekonomiya ng Pinas ang pagkakaroon ng mahigit 10 milyong OFW sa ibayong dagat.

Samantala, nangangamba rin ang Kardinal dahil hindi sapat ang kontribusyon ng mga OFW sa pondo ng gobyerno upang mapabilis ang repatriation ng mga Pinoy na apektado ng mga kaguluhan sa iba’t ibang bansa kumpara sa ibang mayayamang bansa. Kyle Gatus

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply