37 protesters patay sa Syria

TINATAYANG 37 na ang nasassawi sa marahas na crackdown operation ng mga awtoridad sa bansang Syria.

Ayon kay UN High Commissioner for Human Rights Rupert Colville, lumala na ang sitwasyon sa Libya kung saan binabaril na ang mga nagpoprotesta at tinitirgas.

Nabatid na dalawang bata ang napabilang na namatay na binaril mismo sa Daraa main square.

Nag-rally sa harap ng governor’s building ang mga protesters kung saan sinunog ang larawan ni Syrian President Bashar al-Assad.

Sa gitna ng isinasagawang rally, biglang lumabas mula sa bubong ng gusali ang security forces at agad na pinagbabaril ang mga demonstrador. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply