39 solons bomotong may probable cause ang impeachment case

UMABOT sa 39 kongresista na miyembro ng House committe on justice ang bomotong may sapat na basehan para isulong ang impeachment case laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez

Siyam naman sa mambabatas ang tutol sa mosyon.

Bago nabuo ang desisyon, mahigit dalawang oras naantala ang botohan matapos na kuwestyonin ni Albay Rep. Edcel Lagman ang aniya’y pagmamadali ng komite para hatulan ang kaso ni Gutierrez na nauna nang nag-abstain sa botohan.

Sa panig ni Davao del Sur Rep. Marc Douglas Cagas, nagbabala pa ito sa komite laban sa “grave abuse of discretion” sakaling ituloy ng mga ito ang botohan.

“Let this infamous or famous day be a constant reminder to all of us, who are all politicians, that today we have committed our own mistakes, even grave abuse of discretion and constitutional violation because of the frailties of haste and of political partisanship,” giit ni Cagas.

Hiniling din ni Maguindanao Rep. Simeon Datumanong sa komite na bumuo muna ng dalawang panels of speakers na gagawa ng mas mahabang debate sa isyu. Remate Online

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply