3M sirang LPG tank kalat pa rin sa merkado

TINATAYANG tatlong milyong depektibong tangke ng Liquefied Petroleum Gas ang ibinebenta pa rin sa mga pamilihan nang hindi nalalaman ng publiko.

Ito ang ibinunyag Huwebes, Marso 10, ng Liquefied Petroleum Gas Industry sa ginanap na press conference sa Quezon City.

Ayon kina Molou Espina, Manager for Corporate Communications ng Total Philippines at Mercy Pastrana ng LPGI, ang nasabing bilang ng tangke ng LPG ay dapat na makumpiska ng mga kaukulang ahensiya ng gobyerno para sa kaligtasan ng publiko.

Sinabi nina Espina at Pastrana na ang nasabing defective LPG tanks ay parang time bomb na anomang oras ay posibleng sumabog at pagmulan ng malalaking sunog na pwedeng pumatay ng mga inosenteng indibidwal at mawalan ng mga ari-arian.

Sinabi pa nina Espina at Pastrana na ginawa nila ang naturang pahayag upang maipabatid sa taumbayan at mabalaan ang mga ito na huwag nang bumili ng mga sira-sirang tangke ng LPG.

Ipinakita nina Espina at Pastrana sa media ang ilang tips kung paano malalaman na depektibo ang isang tangke ng LPG.

Matatandaan na sinabi kamakailan ng Bureau of Fire Protection na isa sa mga dahilan ng sunog sa buong bansa ang mga depektibong LPG na gamit sa bahay.

Sinabi pa ng mga ito na ang isa pang dahilan kung bakit maraming depektibong LPG tanks ay dahil na rin sa hindi na deregulated ang negosyo ng mga nagbebenta ng LPG.

Kaugnay nito, pinabibilis ng grupo ni Espina at Pastrana ang LPG Bills na nakapending sa House of Representatives na siyang magre-regulate sa industriya ng LPG sa bansa. Alex Ching

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply