4 bagong mahistrado itinalaga sa CA

APAT na bagong mahistrado ang itinalaga ni Pangulong Noynoy Aquino sa Court of Appeals (CA).

Sa isang pahinang Appointments Transmittal ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr kay Chief Justice Renato Corona, apat na pangalan ang isinumite mula sa pitong bakanteng pwesto sa CA.

Hinirang bilang bagong justice ng CA sina dating Pasig RTC Abraham Borreta, Caloocan City RTC Judge Victoria Paredes, Cebu RTC Judge Gabriel Ingles at Pamela Ann Abella-Maxino.

Ang apat ay pinili mula sa shortlist na isinumite ng Judicial and Bar Council.

Si Borreta ang hukom na humatol kay Imam Boratong ng Pasig Shabu Tiangge at si Paredes naman ay Judicial Excellence Awardee, dating Executive Judge ng Caloocan RTC at naging opisyal ng Philippine Judges Association.

Ang paghirang sa apat na bagong mahistrado ay ang kauna-unahang appointment ni Pnoy sa CA. Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply