4 Batang City Jail arestado sa holdap

ARESTADO ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang apat miyembro ng Batang City Jail matapos mangholdap ng isang Chinese national sa Binondo, Maynila, Miyerkules, Marso 30.

Kinilala ni P/C Insp. Fernando Opelanio, hepe ng District Intelligence Police Operation Unit (DPIOU), ang mga naarestong suspek na sina Jonathan Rebusi, 23, kuliglig driver, ng 566 Muelle de Binondo, Maynila; Pabeth del Rosario, 24, ng 72 San Miguel St. Binondo, Maynila; Francisco Terol Jr., 19, ng 565 Delpan St. Binondo, Maynila; at John Sonny Tolentino, 19, ng 275 San Miguel St. Binondo, Maynila.

Kinilala naman ang biktima na si Oscar Chan, 45, negosyante, ng 705 El Cano Tower, El Cano St. Binondo, Maynila.

Ayon sa biktima, bandang 12:30 ng madaling-araw habang sakay siya ng kuliglig sa kanto ng Sto. Cristo St., patungong Quiapo, Maynila nang umangkas ang mga suspek sa likurang bahagi ng kuliglig.

Pagsapit sa panulukan ng San Fernando St., at Juan Luna St. ay bigla na lamang tinakpan ang bibig ng biktima at saka  tinutukan ng patalim sa leeg bago nagdeklara ng holdap at pinilit na kinuha ang mga gamit ng biktima.

Nagtangka pang manlaban ng biktima ngunit lalo lamang idiniin ang patalim sa kanyang leeg kaya wala siyang nagawa kung hindi ang ibigay ang kanyang P25,000 cash at iPhone na nagkakahalga ng P45,000.

Pagkatapos ng panghoholdap ay ibinaba ng mga suspek ang biktima sa panulukan ng Juan Luna at San Fernando St., kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang biktima na makahingi ng tulong sa barangay chairman na si Joseph Ong at mga pulis na nagroronda.

Mabilis namang rumesponde ang mga pulis dahilan para madakip ang mga suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply