4 bebot na miyembro ng Salisi Gang arestado

NASAKOTE ng mga tauhan ng Manila Police District–Police Station 5 ang apat na bebot na pinaniniwalaang mga miyebro ng “Salisi Gang” na nambibiktima sa mga tourist belt area, malls, restaurant at hotels sa Ermita at Malate sa Maynila.

Ayon kay  MPD-Station Commander P/Supt. Frumencio Bernal, ang mga naaresto ay sina Miriam Gorion, 53, ng  Barangay san Nicolas, Bacoor, Cavite, Mitch Lopez, 33, Teresa Ocampo, 42, at ang isang Leah dela Paz, 32, na pawang kapitbahay ni Gorion.

Nabatid naman na may tatlo pang lalaki na kasalukyang tinutugis ng mga awtoridad na pawang mga miyembro ng nasabing  grupo na hindi muna pinangalanan ng pulisya.

Nalaman na ang pinakahuling insidente ng salisi ay naganap sa Aristocrat restaurant noong Marso 19 kung saan nabiktima ang  isang  fashion designer na si Remedios Robles, 59.

Sa reklamo ng biktima sa MPD-TRS, umaabot sa P1.2 milyon ang halaga ng cash at alahas na laman ng kaniyang bag na natangay ng salisi gang habang kumakain sa  nabanggit na restaurant. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply