Fetus, binatilyo lumutang sa ilog Pasig, Manila Bay

PALUTANG-LUTANG sa Manila Bay, North Harbor, Tondo ang bangkay ng isang binatilyo na pinaniniwalaang nalunod, habang isang apat na buwan fetus naman ang nakita sa Ilog Pasig, sa Sta. Mesa, Maynila.

Tinatayang nasa edad 15 hanggang 18 ang unang biktima, walang saplot pang-itaas at nasa  5’2 ang taas.

Batay sa ulat ni Det. Jupiter Tajonera kay Sr. Insp. Armando Macaraeg,  hepe ng Manila Police District,  dakong 11:30 ng tanghali nang maiulat ng isang Edgardo  dela Cruz, 44 , na nakita umano niya ang lulutang lutang na bangkay sa tabi ng dagat sakop ng nasabing Pier sa North Harbor.

Paniwala naman ng awtoridad na nalunod ang biktima.

Samantala, isang tawag din ang natanggap ng pulisya  dahil sa nakitang apat na buwang fetus na lulutang lutang din sa Bacood Sta., Mesa, Manila, 12:10 ng tanghali kanina, Marso 6.

Pinaniniwalaan naman na sadyang itinapon ang fetus makaraang ipalaglag. Rene Crisostomo



————————————————————————————————

PINANINIWALAANG nalunod ang isang binatilyo, matapos maiulat na umano’y naligo ito,nitong sabado ng tanghali ,, at kahapon ay natagpuan ang isang hindi pa nakikilalang lalaki na lulutang lutang sa Manila Bay sa North Harbor,Tondo,Manila.

Tinatayang nasa edad 15 hanggang 18 anyos ang biktima, walang saplot sa pangitaas at sa pang-ibabang  kasuotan ;; nasa  5’2 ang taas ;  katamtaman ang pangangatawan, at  may  bahagyang gasgas ito sa bandang tiyan.

Batay sa ulat na isinumiti ni Det. Jupiter Tajonera kay Sr.Insp. Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police District, dakong 11:30 ng tanghali nang maiulat ng isang Edgardo  dela Cruz, 44  anyos na isang Crane Operator sa Pier 16, nakita umano nito ang lulutang lutang na bangkay sa tabi ng dagat sakop ng nasabing Pier sa North Harbor.

Bago natagpuan ang nasabing bangkay, isang hindi na binanggit na pangalang ng securitry guard sa lugar na isang ina ang naghahanap sa kanyang anak na naligo sa Manila Bay , nitong sabado ng tanghali.

Ayon sa sekyu, sa Happy Land sa Vitas, Tondo nakatira ang sinasabing binatilyo, kaya halos 24 oras ng nawawala ang kanyang anak.

Gayunman, ang natagpuang bangkay ng nasabing lalaki ay pansamantalang inilagak sa St. Yvan Funeral Morgue para sa awtopsiya at sa pagkakakilanlan ditto.

Samantala, isang tawag naman ang natanggap ng pulisya , dahil isang fetus na nasa apat hanggang limang buwan sa loob ng sinapupunan ng  ina ang nakitang lulutang lutang din sa Bacood Sta.Mesa ,Manila ng dakong 12:10 ng tanghali.

Pinaniniwalaan naman na sadyang itinapon at ipinaanod sa ilog Pasig ang nasabing fetus, at upang mabigyan ng katarungan, dinala ang fetus sa nasabing morgue para sa maayos na libing, habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya , habang nangalap ng tetigo para matukoy kung sino  man ang nagtapon sa fetus.[RENE CRISOSTOMO]

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply