4 katao arestado sa tangkang pagnanakaw

ARESTADO ng awtoridad ang apat tauhan ng malaking construction firm  matapos tangkang itakas  ang crane track na kargado ng tone-toneladang bakal sa Sangandaan, Caloocan City

Ang mga suspek na kasalukuyang nakapiit sa selda ng Calocan police at nahaharap sa kasong qualified thief  at panunuol ay sina Richard Monce, 27, driver, ng 397 MH del Pilar, Maysilo Malabon City; Marlito Pegon, 30, laborer, ng Helman st., Fairview Quezon City; Russel Agcambot, 28, ng Brgy, Doqueno Zobel Project 4, Quezon City at  Eddie Patron, ng Bulacan.

Ang mga suspek ay pormal nang sinampahan ng kaso ng A.M. Oreta & company Inc. (AMO) na pag-aari ng mag-asawang dating senator Tessie Aquino Oreta na may tanggapan sa 5th Floor Ermita Building Manila at may bodega sa MH del Pilar Maysilo, Malabon City.

Sa pinagsanib na imbestigasyon nina P03 Eduardo Roquillo at P02 Rommel Bautista ng Station Investigastion Division (SID) ng Caloocan police, 2:30 kanina ng madaling-araw nang mamataan ang isang track na kargado ng mga bakal sa kahabaan ng Gen. San Miguel St. kanto ng Tugatog St., Sangandaan, nasabing lungsod.

Bago nabisto na nakaw ang dalang tone-toneladang bakal ng mga suspek ay sinita ni P03 Ronquillo ang driver Elf crane truck (RJD 521) na si Richard Monce sa kasong reckless at overload ngunit sa halip ibigay ng driver ang kanyang lisensya ay inalok siya ng P3,000 para huwag lamang hulihin.

Dahil dito ay hinuli ng pulis ang suspek dagdag ang kasong panunuhol.

Sa imbestigasyon sa himpilan ng pulisya, napag-alaman na ilegal na inilabas ng mga suspek ang nasabing truck mula sa warehouse ng Moreta company  at nakatakda sanang dalhin sa isang junk shop sa Tondo, Maynila para ibenta. Roger Panizal

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply