4 katao nahahawa ng HIV kada araw – Sen. Pia

NAALARMA ang Senado sa pagtaas ng bilang ng nagkakaroon ng sakit na Human Immune Deficiency Virus (HIV) na ayon sa pinakahuling ulat ay umabot sa apat na katao ang nahahawa kada araw.

Sa kanyang privilege speech Miyerkules, Marso 16, sinabi ni Sen. Pia Cayetano na kung hndi kikilos ang pamahalaan, partikular ang Senado, tinatayang aabot sa 210 bagong kaso ng sakit ang maitatala kada buwan sa taong kasalukuyan.

“Noong 2008, umaabot sa pangkaraniwang 44 katao ang natuklasang may HIV kada buwan. Nitong 2009, tumalon ang bilang sa 70 katao kada buwan at nitong 2010, tumaas ang bilang nang higit pa sa 120 kaso kada buwan.  Because of this sharp rise in new cases, it is estimated that by doing nothing there will be 210 new cases per month in 2011, 390 new cases per month in 2012 and 2,013 new cases per month by 2015,” paliwanag ni Cayetano.

Aniya, isa ang Pilipinas sa pitong bansa sa buong mundo na may pinakamaraming kaso ng impeksiyon sa HIV kabilang ang bansang Bangladesh at Kazakhstan. Umabot sa 63 bansa sa buong mundo ang may kaso ng naturang sakit.

“During a Department of Health briefing which I attended last week in Cebu City, we were informed that as of January 2011, there are 407 HIV positives in Region 7 alone and alarmingly, 327 of them are in Cebu City.  It was also reported that only 18% of those diagnosed with HIV used condoms during their last sexual act and 92% among HIV positive males have female partners that they can infect, can get pregnant and can transmit HIV to their babies,” dagdag pa ni Cayetano.

Aniya, wala pang gamot na natutuklasan upang ipanlaban sa HIV, kaya’t kailangan nang kumilos ng pamahalaan upang makapaglaan ng sapat na pondo at magpakalat ng impormasyon hinggil sa naturang virus. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply