4 LTO agents kinasuhan ng extortion

KINASUHAN ng Office of the Ombudsman ang apat deputized agents ng Land Transportation Office (LTO) nang maaktuhang nangingikil ng pera mula sa mga nagmamaneho ng truck sa Naga City noong nakaraang Pebrero.

Asuntong Usurpation of Authority or Official Functions and Robbery (Art. 177 ng Revised Penal Code) at Violence Against or Intimidation of Persons (Art. 293 kaugnay ng Art.294 ng RPC) ang inihain laban kina Ronnie Sain Albis, Dionel Maccandog Agapor, Victor Aquino Delos Santos at Manolito Coronado Dimaano.

Lahat ng mga akusado ay pawang residente ng bayan ng Libmanan, deputized agents ng LTO-Help Desk Action Center (LTO-HDAC), at miyembro ng Highway Patrol Group (HPG) ng Barangay Mabolo, Naga City.

Sa 21-pahinang After-Mission Report ng Task Force Marshal ng Ombudsman, naaresto ang mga akusado matapos ang operasyon na magkatuwang na isinagawa ng TF Marshal at ng National Bureau of Investigation (NBI) Bicol Regional Office noong Pebrero 23, 2011.

Nabawi mula sa mga akusado ang apat professional driver’s license, logbook, isang plate card na may inisyal na XEB 905, identification cards ng mga LTO deputized agent, puting sobre na may P2,500 sa loob na bahagi umano ng halagang nakikil nila ng araw na iyon, at marked money na nagkakahalaga ng P50.

Nabatid mula sa TF Marshal na nagngangalang Dennis Buenaventura ang nagpanggap na pahinante at sumakay sa delivery truck sa San Fernando, Camarines Sur habang ipinosisyon naman ng iba pang operatiba ng task force at ng NBI ang kani-kanilang pulutong malapit sa LTO Help Desk Action Center na nasa gilid ng isang gasolinahan sa Brgy. Mabolo.

Batay sa ulat, pinara umano ni Agapor ang truck na sakay si Buenaventura at pumasok naman ang imbestigador sa LTO-HDAC.

Matapos maibigay ni Buenaventura ang marked money (P50.00) na hinihingi ng LTO deputized agents, sinalakay na ng operatiba ng TF Marshal at NBI ang mga akusado at inaresto.  Robert C. Ticzon

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply