4 mediamen ng NY Times, nawawala sa Libya

KINUMPIRMA ng New York Times na nawawala ang kanilang apat na mamamahayag na kasalukuyang nagco-cover sa kaguluhan sa Libya, ayon sa kanilang ipinalabas na pahayag sa kanilang website.

Kabilang sa mga nawawala ay sina Anthony Shadid, isang 2-time Pulitzer Prize winner; Lynsey Addario, MacArthur “Genius Grant” recipient, Stephen Farrell at Tyler Hicks.

Huli nilang nakausap ang mga reporters ay noong umaga pa Martes, March 15. Pinaniniwalaan na ang mga naturang mamamahayag ay hawak ng mga tauhan ni Gadhaffi na pasukin nila ang lungsod ng Ajdabiya.

Ayon kay Executive Editor Bill Keller, nakipag-ugnayan na sila sa mga kinauukulan sa Tripoli at sinabi na marami silang mga nakakulong at kasalukuyang pinoproseso at nangako na kapag nasa kanila ay kaagad itong pakakawalan.

“We have talked with officials of the Libyan government in Tripoli, and they tell us they are attempting to ascertain the whereabouts of our journalists. We are grateful to the Libyan government for their assurance that if our journalists were captured they would be released promptly and unharmed.”, pahayag ni Keller. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply