4 natusta sa sunog sa Makati

APAT ang natusta ng buhay sa nangyaring sunog sa Block 95, Lot 11, Waterlily St., Brgy. Rizal, lungsod ng Makati madaling-araw ng Miyerkules, Marso 16.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Carmela Sabio, 65, at ang apo nito na sina Ana Maria Banquillos, 7; Ariel Aquino at Judy Perez Jr., pawang mga menor de edad.

Natagpuang magkasama ang maglola sa kanyang kwarto samantalang ang dalawa naman ay nakita sa may kusina ng bahay.

Ayon kay Supt. Samuel Tadeo ng Bureau of Fire Protection ng Makati City, lubha umanong nasunog ang mga bangkay ng biktima kaya nahirapan sila makilala ang mga ito.

Kasalukuyang inalaam nila ang sanhi ng naging sunog na umabot sa ikalawang alarma. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply