4 natusta sa sunog sa Makati

TATLONG bata at isang 65-anyos na lola ang namatay sa sunog sa Makati Miyerkules ng madaling araw, Marso 16.

Ayon sa ulat naganapo ang sunog Block 95, Lot 11, Waterlily St., Brgy. Rizal, Makati City kaninag madaling araw.

Kinilala naman ang mga nasawi na sina Carmela Sabio at apo nitong si Ana Marie Banquillos, isang pitong -taong gulang na nakita sa kanilang silid; habang sa kusina naman ay natagpuan sina Ariel Aquino at Judy Perez Jr.

Sa pahayag ni Supt. Samuel Tadeo, hepe ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Makati, hindi na makilala ang mga biktima nang matagpuan ang mga ito ng bumbero.

Ang nasabing sunog ay umabot sa ikalawang alarma.

Kasalukuyang inaalam na ng mga awtoriada ang sanhi ng sunog. Remate Online/Photo by: Jimmy Carbo

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply