4 patay, 32 sugatan sa salpukan ng 3 bus sa Sorsogon

UTAS ang apat pasahero, kabilang ang 4-anyos na bata,  habang 32 ang sugatan sa salpukan ng tatlong bus sa bayan ng Matnog, Sorsogon.

Ayon kay S/Insp. Jeffrey Sireño, hepe ng Matnog PNP, 12:30 ng madaling araw kanina nang magbanggaan ang Eagle Star bus at Silver Star bus sa Barangay Pawa Matnog, Sorsogon.

Sa inisyal na imbestigasyon,  nag-overtake ang Eagle Star Bus sa Philtranco na papuntang Sorsogon at aksidenteng nakasalpukan ang Silver Star bus na sumalpok din sa Philtranco Bus (PYK 873).

Kinilala ang ilan sa mga sugatan na sina Nelia Uso, 19; Nolasco Basubas, 62, ng Isabela; Mae Ann Dalida, 5, at Angie Dalida, 40, ng Bucaue, Bulacan; Lega De Lima 16; Ricky Boy De Lima, 19; Rosario De Lima, ng St. Bernard Leyte; at Reynante Tarabago, 43, na taga Roxas, Southern Leyte.

Ang 19 pa ay dinala sa iba pang pagamutan. Anthony Vargas

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply