4 teams kukunin ang first win sa PBA D-League Foundation Cup

APAT na teams ng PBA D-League na kabilang sa magkabilang grupo ang maglalaban ngayong makapananghali sa Adamson team sa San Marcelino St. para maitala ang unang panalo sa PBA-D-League Foundation Cup.

Kabilang sa group A, maghaharap ang Freego Jeans at ang PC Gilmore na parehong bumagsak sa unang laro kontra NLEX Road Warriors, 71-82, may dalawang linggo ang nakararaan habang bumagsak sa iskor na 72-76 ang PC Gilmore sa Paifi Heights.

Sa group B, ang Max! Bond ay magsisikap laban sa Cafe France sa unang game. Natalo ang Sumos, 61-82, sa Maynilad habang ang Cafe France na kinabibilangan ng manlalaro ng University of Santo Tomas ay tinambakan ng 3-season favorite na Cebuana Lhullier Gems, 61-82.

Nananalig si Coach Pido Jarencio ng Sumos na katatampukan ng players ng UST Tigers na makakamit ang unang panalo sa pamamagitan nina Jeric Teng, Chris Camos, Jeric Fortuna at Clark Bautista. Radito Torres

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply