40% kabataang Pinoy, ‘di nakakapasok sa high school

NABABAHALA ang United Nations Children’s Fund (UNICEF) na maraming kabataang Filipino na  edad 12-16 anyos ang hindi na nakakapasok sa high school sa bansa.

Sa ipinalabas na opisyal na press statement ng UNICEF, inilahad nitong sa buong mundo umano ay mahigit 70 milyon ang mga kabataang out-of-school-youth na dapat sana ay pumapasok sa high school.

At sa Pilipinas, nasa 60-percent lamang ang nakakapasok sa sekondaryong paaralan habang ang 40-percent ay hindi na nagagawa pang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

“In the Philippines, only about 60-percent of children of secondary school age are attending schools. Without education, adolescents cannot develop the knowledge and skills they need to navigate the risks of exploitation, abuse and violence that are at height during the second decade of life,” anang UNICEF.

Pagdating naman sa usapin ng kabuhayan sa Pilipinas, 1.4 milyon ng kabataang lalaki at babae na nasa edad 15-24 anyos ang walang trabaho. Kaya naman 51-percent ng kabuuang bilang ng walang trabaho sa bansa ay pawang mga kabataan.

Ipinaliwanag ng UNICEF na kaya nagkakaganito ang sitwasyon dahil sa kawalan o kakulangan ng sapat na kaalaman, kakayahan at abilidad ng mga kabataan sa mga trabahong kinakailangan sa lumalaking technological labor market.

“This not only results in a waste of young people’s talents, but also in a lost opportunity for the communities in which they live,” ayon pa sa pandaigdigang institusyon.

Madalas umanong ipinagsasawalang-bahala ng maraming bansa ang halaga ng napakalaking populasyon ng kanilang kabataan.

“In many countries, large teenage populations are a unique demographic asset that is often overlooked. By investing in adolescent education and training, countries can reap a large and productive workforce, contributing significantly to the growth of national economies,” dagdag pa ng UNICEF. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply