40 OFWs mula sa Libya dumating na

NADAGDAGAN ng 40 ang bilang ng mga overseas Filipino worker (OFW) mula sa Libya na nakauwi sa bansa, nang dumating ang mga ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal-1 ang bago mag-9 a.m. Huwebes, Marso 3, sakay ng Qatar Airways.

Ang mga ito ay pinauwi ng kanilang employer upang makaiwas sa kaguluhan at banta ng pananakot ng anti-Libyan government.

Ayon kay Miguel Remonde, isa sa dumating na OFWs, may 30 silang kasamahan ang naiwan sa job site.

Sinabi ni Remonde na naputol ang komunikasyon nila sa mga ito dahil sa kaguluhan sa nasabing lugar.

Samantala, 15 OFW pa mula sa Libya ang nakauwi ng bansa kaninang madaling araw lulan ng China Air Flight CA-179.

Karagdagang 113 Pinoy pa ang inaasahang darating ngayong araw sakay sa tatlong commercial flight.

Sa tala ng OWWA, umaabot na sa 1, 541 Pinoy mula sa Libya ang nakauwi ng Pilipinas mula Pebrero 26.

Sinabi naman ni Carmelita Dimzon, administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na sapat ang kanilang mga psychologist na magbibigay ng stress debriefing sa mga OFW, lalo na sa mga anak nilang doon na ipinanganak at lumaki.

Nagbigay ng deadline ang Department of Foreign Affairs (DFA)  hanggang Sabado para mailikas ang lahat ng mga OFW sa Eastern at Western coastal area ng Libya.

Pinayuhan ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario ang mga OFW na nasa Tripoli at iba pang nasa ligtas na lugar na manatili na lang sa kanilang kinalalagyan para maka-focus ang DFA sa pagliligtas sa mga iba pang nangangailangan ng tulong.

Mayroon din aniyang mga OFW sa Benghazi ang nagbago rin ng isip at nagpasyang manatili na lamang doon dahil unti-unti na aniyang humuhupa ang tensyon doon. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply