400 trabaho naghihintay sa OFWs galing Libya

AABOT sa 400 trabaho mula sa mining industry ang maaaring pasukan ng mga Pinoy na inilikas mula sa Libya ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay Labor and Employment Secretary Rosalinda Baldoz, batay sa nakalap nilang impormasyon mula sa iba’t-ibang mining firms sa bansa, tinatayang nasa 392 trabaho ang maaaring pasukan ng Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Libya.

“These jobs are now posted online in the Phil-Jobnet, the government’s official job matching and jobs search portal,” pahayag ni Baldoz.

Kaugnay nito, nagpasalamat naman ang kalihim sa suporta ng mining firms sa employment facilitation program ng DOLE.

Sinabi ni Baldoz na ito ay mabuting halimbawa ng public-private partnership na isinusulong ng pamahalaan.

Bukod sa nabanggit na programa, may job solicitations, referral, at placements na ginagawa rin para sa reintegration program ng DOLE sa mga nasabing OFWs.

Maliban sa mga tulong upang mabilis na makahanap ng trabaho, nagbigay din ang pamahalaan ng P10,000 sa mga OFWs na inilikas mula sa Libya para makapagsimula ng maliit na negosyo. Kyle Gatus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply