432 OFWs na ang nakabalik sa bansa mula Libya

UMABOT sa 432 overseas Filipino worker (OFW) ang nakauwi sa bansa matapos tumakas mula sa Libya, kung saan ay patuloy ang paglala ng kaguluhan.

Dumating sa bansa ang  batch na binubuo ng 75 OFWs, ganap na ika-9 ng umaga, kasunod ang isa pang batch na binubuo naman ng 61 dakong ika-10 ng umaga ng Martes, Marso 1.

Sa pagtatala ng Department of Foreign Affairs (DFA), hanggang Lunes ng gabi ay umabot na sa 432 ang mga manggagawang Pinoy ang nakauwi sa bansa.

Samantala, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) may inaasahan pang limang international flight na may lulang mga OFW mula sa Libya. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply