5 bagitong kabayo mag-uunahan sa PCSO race

MAGTATAGISAN ng bilis ang limang bagitong kabayo upang sungkitin ang P300,000 na premyo sa gaganaping PCSO Special Maiden race sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite Sabado, Marso 26.

Unang salang sa actual race ang nasabing mga kalahok kung saan ay 1,300 meter race ang kanilang tatakbuhin sa event na inisponsoran ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ang mga kalahok ay sina Smart Guru, Flag Bearer, Just For Keeps, Tiger Run at Ohh La La’s Gold.
“Anybody’s race ang laban nila kumbaga pagalingan ng lang ng paghahanda.” sambit ni Nestor Manalang trainer ng kabayong Mark This Bird na nanalo noong Biyernes ng gabi sa nasabing pista.

May nakalaan din na P100,000 sa second placer, P50,000 naman ang maiuuwi ng third placer habang may P30,000 ang ibibigay sa winning breeder.

Nakatakda ring ilaraga ang Three-year-old Special Condition race.

Walo ang mag-aagawan para sa added prize na P15,000 sa mananalong kabayo handog ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Si Top Connection ang inaasahang magiging top favorite dahil sa kanyang best time na 1:33 sa 1,400 meter race.

“Maganda tiyempo ni Top Connection pero dapat huwag pa rin tayo mag kompiyansa kasi magagaling din ang mga kalaban.” saad ni star jockey Jonatahn Basco Hernandez gagabay kay Top Connection.
Makakalaban ni Top Connection sina Water Crest, Stay At Home, Joyful Ballad, Bazooka. Colossal at couple entring Top Deputy at Oh Minstrel. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply