5 guro, 1 opisyal sinuspinde ng DepEd

PINATAWAN ng 90-araw na suspension ng Department of Education (DepEd)  ang limang guro at isang district official na nasangkot  sa  umano’y “leakage” ng National Achivement Test (NAT) na ibinigay sa mga estudyante noong Marso 14.

Ayon kay Undersecretary Alberto Muyot, tumatayong spokesman ng kagawaran, ang limang guro na sinuspinde na hindi muna binanggit ang mga pangalan ay pawang nakatalaga  Mangaldan 1 Central Elementary School sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan. Ang isang official ay naka-assign naman sa DepEd Region 1.

Sinabi ni Muyot, pinatawan nila ng suspension ang anim para hindi nila ma-impluwensiyahan ang isinasagawang imbestigasyon laban sa kanila ng DepEd Central Office at DepEd Region 1 sa pangunguna ni Director Ligaya Miguel.

Tiniyak ni Muyot na tuluyan nilang sisibakin sa kani-kanilang trabaho ang anim kapag napatunayang “guilty” sa pandaraya sa NAT exam.

Aniya, habang sumasailalim sa suspension ang anim ay wala silang  suweldo at iba pang benepisyo na matatangap sa gobyerno.

“We do not tolerate dishonesty in our ranks, Such acts build the wrong character in our students.” pahayag pa ni Muyot. Jhie Convocar

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply