5 MMDA na nagmaneho nang lasing pinagsisibak

SINIBAK ngayon sa puwesto ang apat na empleyado ng Metropolitan Social Service Office (MSSO) na nasangkot sa aksidente dahil sa pagmamaneho ng lasing sa Mandaluyong City.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino, iniutos niya ang pasibak sa serbisyo at pagsasampa ng kasong administratibo sa ikalimang miyembro ng MSSO-Street Dweller Care Unit (SDCU) team, na naaresto ng awtoridad dahil sa pagkakabunggo sa isang motorcycle rider.

Ang mga sinibak ay kinilalang sina Manuel Patriarca, Ramuel Alegre, Orlando Quirabu at Jaime Equia. Samantala, si Jaime Vergara, ay dadaan sa dismissal proceedings dahil ito umano ay regular na empleyado ng ahensya.

Ang lima ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to physical injuries at resistance and disobedience upon an agent or person in authority sa Mandaluyong City prosecutor’s office.

“Their actions discredit the authority, and they should be held accountable. Such acts cannot be tolerated,” ayon kayTolentino.

Ang pagkakasibak sa tungkulin ng mga suspek ay kaugnay sa naganap na insidente noong nakaraang Marso 6 dakong  2:30 ng hapon, habang ang  SDCU team ay pabalik na sa tanggapan ng MMDA headquarters sa Makati City.

Mula sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Jose Fabella Center, Mandaluyong City lulan ang limang suspek sa minamanehong MMDA service vehicle habang nakainom ng alak.

Dahil sa pawang mga lasing nasangkot ang mga ito sa isang aksidente matapos mabundol ang isang motorsiklo.

Ang limang MMDA employees ay nagpiyansa para sa kanilang pansamantalang paglaya at nakatakda ang arraignment sa darating March 29.

Samantala, itinakda naman ng Mandaluyong city prosecutor ang preliminary investigation para sa  kasong serious physical injury sa March 15.  Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply