5 pulis-Maynila na may shoot-to-kill order sumuko na

SUMUKO na ang limang pulis ng MPD-Station 5 matapos ipinalabas ang shoot to kill order laban sa kanila ni Manila Mayor Alfredo Lim  hinggil sa nawawalang ransom money na umano ay kanilang ibinulsa sa pagkakakidnap sa Malaysian national na si Eric Sim Chin Tong noong Marso 7.

Dahil sa pangambang totohanin ng alkalde ang utos ay lumutang ang mga pulis na sina P/Sr Insp. Peter Nervisa,, chief ng MPD-PS 5 Anti Crime Unit, SPO3  Ernesto Peralta; PO3 Jefferson Britanico, PO3 Mike Ongpaoco Fabia at PO1 Rommel Santos Ocampo, kasama ang kanilang mga abogado kung saan ipinrisinta sila ng alkalde sa mamamahayag, Martes ng umaga.

Gayunman, nanindigan ang nabanggit na mga pulis na wala sa kanila ang P10.6 milyon bahagi ng P15 milyon ransom money na nawawala.

“Hindi po kami nagtatago, matagal ko pong iningatan ang apelyido ko, alegasyon lang po iyon ng mga kidnappers,” ayon kay Nervisa.

Paliwanag ni Nervisa na noong nagpalabas ng shoot to kill order ay naghahanap pa sila ng tamang tao at abogado para sumuko.

Kaugnay nito, masusing iimbestigahan ng binuong Task Force Riviera na pinamumunuan ni P/Supt. Fidel Posadas, ang version ng mga umarestong pulis sa mga kidnaper at ang alegasyon ng mga naarestong kidnaper na si Marlon Lopera.

Lumabas na hindi P16.3 milyon kundi saradong P15. milyon ang ibinayad na ransom, dahil hindi na kasama ang naiwang P1.3 milyon na nasa kaha ng opisina ng biktima, kung saan P4.4 milyon lamang ang nabawi sa pinagtaguan ni Lopera sa Riviera Mansion Malate, Maynila.

Habang nagsasagawa ng imbestigasyon ay mananatili naman umano ang limang suspek/pulis sa kustodiya ni MPD-Director P Chief Supt. Roberto Rongavilla.

Nabatid na alas-otso ng umaga nang sumuko ang limang pulis sa tanggapan ni P/C Insp. Alexander Navarrete, hepe ng MPD-Criminal Records Management and Evidence Section, kung saan kinuha sila nina SPO4 Ferdinand Cantillas, SPO2 Felix Alquiros, SPO1 Romeo Saavedra at PO3 Ernesto Segismundo sa Ramon Magsaysay Boulevard at V. Mapa Sta. Mesa, Maynila.

Nakita naman sa record ng CCTV sa Riviera Mansion na alas-onse ng gabi nang sinimulan ang operasyon at 10 minuto lamang na tumagal, pero pasado alas-12 na nang nakarating ng presinto ang grupo ni Nervisa. Jocelyn Tabangcura-Domenden/Photo by Jerry Tan

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply