5 pirata nahatulan ng habangbuhay na pagkabilanggo

HINATULAN ng habangbuhay na pagkabilanggo ang limang pirata ng Somalia matapos banatan nilang ang isang US Navy vessel na napagkamalang isang commercial ship.

Ang USS Nicholas ay kasalukuyang nasa misyon ng pagpaptrolya laban sa mga pirata a karagatang malapit sa Somalia nang paputukan ng mga Somali. Kaagad ginantihan ang mga pirata at nasira ang sinasaksyan ng mga ito at nahuli.

Nahatulan ng jury ng isang korte sa Norfolk sa Virginia, USA ang mga naturang pirata. Ito umano ang kauna-unahang mga pirata na nahatulan sa Estados Unidos simula pa taong 1820, ayon sa taga-usig ng kaso.

“Today’s sentences should send a clear message to those who attempt to engage in piracy: Armed attacks on US-flagged vessels carry severe consequences in US courts,” pahayag ni US Attorney Neil MacBride. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply