50 kotse donasyon ng Japan sa PNR

NAKATAKDANG makatanggap ng 50 kotse ang Philippine National Railways (PNR) mula sa East Japan Railways Company (JR-East).

Ang mga bagong kinumpuni at pinagandang kotse ay inaasahang magsidatingan sa pagitan ng buwan ng Mayo hanggang Hulyo, ayon kay PNR General manager Junio Ragragio.

Resulta ito ng pakikipagkasundo ng PNR sa JR-East na inaasahan ding magpapalakas ng serbisyo sa mass transportation sa Metro Manila na makakapagsasakay ng higit na maraming pasahero at makaiiwas sa masisikip na trapiko.

Malaking tulong ang mga train ng PNR lalo na tuwing peak hours kung kailan dagsaan ang commuters na karamihan ay mga trabahador at estudyante na naghahabol sa pagpasok sa opisina at paaralan.

Napagtibay ang donasyon sa isang kasunduan kasunod ng pagbisita ni Ragragio sa Japan noong huling bahagi ng Pebrero.

Plano rin ng PNR na gamitin ang ilang kotse sa pagbabiyahe sa katimugang Luzon at posibleng hanggang sa Bicol region matapos maisaayos ang kondisyon ng pero karil (riles). Radito Torres

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply