500 kg. double dead na manok, nakumpiska

NAKUMPISKA ang tinatayang 500 kilo ng karne ng manok na hinihinalang double-dead matapos salakayin ang isang stall sa isang palengke sa Primero de Mayo Street, Libertad Market, Pasay City, madaling-araw ng Biyernes, Marso 11.

Sinalakay ng grupo ng Pasay City Veterinarian Office bandang 2:00am ang naturang palengke subalit walang naaresto, ayon sa report ng dzBB. Dinatnan ng grupo ang naturang mga karne sa isang stall na wala ng nagbabantay.

Ayon kay City Veterinarian Ronaldo Bernasor, ang mga naturang manok ay maaaring nanggaling sa lalawigan ng Bulacan.

Bigo naman ang mga awtoridad na matukoy ang may-ari ng naturang karne dahil ayaw magsalita na mga vendors sa mga katabing stall nito.

Ang mga nakuhang double-dead na karne ay dadalhin sa pinakamalapit na Crocodile Farm para ipakain sa mga buwaya roon. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply