50th win itinarak ng Spurs

MALUNGKOT si San Antonio coach Gregg Popovich sa ipinakitang laro ng kanyang bataan mSpursatapos nilang matalo sa Memphis Grizzlies sa nakaraang laro kaya naman 38 segundo lamang ang inilagi nito sa isang postgame press conference.

Kaya naman bumawi agad ang kanyang mga alaga upang pasayahin siya matapos ang 109-99 panalo ng Spurs laban sa Cleveland Cavaliers sa pagpapatuloy ng 2010-11 National Basketball Association regular season.

Umunat ng 22 puntos at tig-limang rebounds at assists si guard George Hill upang itarak ang ika-50 na panalo ng San Antonio at manatiling sa itaas ng standings sa hawak na 50-11 win-loss card.

Pangalawang game nila na wala si point guard Tony Parker dahil sa calf Injury kung saan aabutin ng dalawang linggo ang pagliban nito kaya naman inaasahang si Hill ang magtitimon ng laro.

Nag-ambag si Duncan ng 16 puntos, six assists at four boards habang tig-14 puntos ang binuslo nina center DeJuan Blair at bench player Gary Neal.

Nagtala naman ng career-high 23 points, 10 rebounds at tatlong assists si rookie forward Samardo Samuels para sa Cavs. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply