510 Pinoy workers dumating na sa Pinas

WALA nang patid ang bilang ng mga overseas Filipino worker (OFW) na dumarating sa bansa matapos na dumagsa ulit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang may pinakamaraming grupo ng Pinoy workers na lumikas galing sa Libya kaninang umaga, Marso 6.

May bilang na 510 OFWs ang nakalulan sa chartered flight OEA 8902 ng Orient Thai Airways, isang non-commercial plane na dumating dakong alas-2:40 ng hapon sa NAIA.

Una rito, lumapag sa paliparan dakong ala-1:30 ng Cathay Pacific Flight 907 na may OFWs na 48; habang ang flight CX-901 na dumating dakong alas-11:30 ng umaga ay may lamang 37 OFWs; at Gulf Air 154 na dumating ng bandang alas-10:25 ng umaga ay may sakay na 85 OFWs mula Libya.

Sinundan ito ng G9-901 at G9-903 ng Air Arabia  na dumating dakong ala-1:30 ng hapon at alas-2:30 ng hapon, ayon sa pagkakasunod, na naglalaman ng mahigit sa 400 OFWs.

Inaasahang lalapag sa NAIA ang isa pang chartered flight na MHS 8001 ng Air Memphis na may kargang humigit-kumulang sa 180 mga pinoy.

Napag-alaman sa ulat ng OWWA, umabot na sa kabuuang bilang na ng 3,098 OFWs ang nakabalik na sa bansa mula nang sumiklab ang kaguluhan sa Libya. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply