6-anyos na lalaki nalunod sa creek patay

PATAY ang isang anim na taong gulang na lalaki matapos mahulog at malunod sa isang creek, Biyernes ng gabi sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ni P/Insp. Armand Macaraeg, hepe ng Manila Police Department (MPD)-Homicide Section ang biktima na si Francis Jay Aquino, ng 2808 Sto. Tomas Dormitory, Legarda Street, Sampaloc.

Sa report ni SPO2 Henry Ignacio, dakong 7:30 p.m. nang maganap ang insidente sa creek ng Estero de Sampaloc, J.P. Laurel, San Miguel, Maynila.

Sa imbestigasyon ng pulisya, binabantayan umano ni Ritchel Aquino, ina ng biktima, ang dalawa pang kapatid ng biktima habang nanonood ng telebisyon.

Nagulat na lamang umano si Aquino nang biglang sumigaw ang ina ng isang kalaro ng biktima at sinabing may nahulog sa creek.

Agad namang lumabas ng bahay si Ritchel para tingnan ang insidente kung saan nasilayan nitong si Francis Jay ang nahulog.

Lumusong sa creek ang magkakapatid na sina Ronnel, Robert at Roel Gerona upang sagipin ang biktima at agad na isinugod sa Ocampo Hospital ngunit idineklarang patay na dakong 8:38 ng gabi.

Samantala, dinala naman sa Ospital ng Maynila ang magkakapatid na sumisid sa biktima upang magpagamot matapos silang makaramdam ng pagkahilo dahil sa umano’y inilagay na kemikal ng DENR sa nasabing ilog bago maganap ang pagkalunod ng biktima. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply