6 article of impeachment vs Ombudsman handa na

NAKAHANDA na ang draft ng anim na article of impeachment na nakatakdang isalang sa  plenaryo sa  susunod  na linggo para  sa  pagsulong sa  Senado sa pagpapatalsik sa puwesto kay  Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Ayon kay Iloilo congressman at House justice committee chairman Neil Tupas Jr., napagdesisyunan ng komite ang anim na article of impeachment ang ihaharap laban kay Gutierrez.

Nangunguna sa kanilang pinakalamakas na kaso ay ang fertilizer fund scam, pangalawa ang mega pacific deal, pangatlo ang Euro-generals, NBN-ZTE deal, pang-lima ang Pestaño case at pang-anim ang low conviction rate at incompetence ng Ombudsman kung saan kasama ang plea bargain agreement kay dating AFP comptroller Maj. Gen. Carlos Garcia.

Dagdag pa ni Tupas, kailangan umano nilang unahin ang pinakamalakas sa kanilang impeachment complaint.

Inihayag din ng Iloilo solon, ang pang-siyam na miyembro ng committee of 11  na siyang magsisilbing prosecutor  na si Cavite Rep. Emilio Joseph Abaya .

Sinabi nito na  kulang pa sa committee of 11  ng dalawa hanggang sa kasalukuyan .

Kabilang  sa mga  bumubuo na  nito ay sina Representatives Tupas Jr., Erin Tañada, Raul Daza, Rodolfo Fariñas, Rey Umali, Neri Colmenares, Elpidio Barzaga, Kaka Bag-ao.

Sa Lunes  o sa Martes  nakatakdang ilatag  ang nasabing  article of impeachment  na nangangailangan ng 195 votes  o 2/3  ng bilang  ng  mga mambabatas upang  tuluyan nang isalang  sa  Senado. Beth Aragon

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply