6 patay sa Bahrain

ANIM ang naitalang patay sa bansang Bahrain bunsod sa lumalalang kilos-protesta upang pababain ang kanilang hari.

Tatlo sa mga nasawi ang kabilang sa mga nagpoprotesta at ang tatlo naman ay pawang mga pulis ayon sa isang police official.

Pinasok din ng mga militar ang isang ospital kung saan ginagamot ang mga
protestors na pawang mga Shia.

Dahil sa pangyayari, nagbitiw ang Health Minister ng Bahrain na isang Shia
bilang protesta. Ang naturang bansa ay pinamumunuan ng mga Sunni.

Nagpatupad na ng curfew at ipinagbawal na ang pagpoprotesta simula ng magbaba ng martial law ang hari.

Binatikos naman ni US Secretary of State Hillary Clinton ang panghihimasok ng mga tropa ng ibang Gulf States sa Bahrain.

“We find what’s happening in Bahrain alarming. We think that there is no security answer to the aspirations and demands of the demonstrators,” ayon sa kanya. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply