6 sa naaresto sa kidnap ng Malaysian kinasuhan

INIREKOMENDA ng Manila City Prosecutor ang pagsasampa ng kasong kidnapping sa anim sa walong naaresto ng mga operatiba ng Manila Police District-Police Station 5 dahil sa pag-kidnap sa isang Malaysian national.

Sina Joanna Turla, 20; Edel Macalinao, 36; Francis Turla, 27; Felizardo Gutierrez, 44; Rolando Manuzon Jr., 29; at Bernardo Manuzon, 36, ang mga pinakakasuhan ng kasong kidnap for ransom.

Ito ay matapos mapatunayan ni Manila Assistant State Prosecutor Fransisco Salomon na may “probable cause” para sila kasuhan ng kriminal kaugnay sa pagkidnap kay  Eric Sim Chin Tong, isang negosyanteng Malaysian.

Hindi naman pinayagang makapagpiyansa ang anim na suspek para sa kanilang pansamanatalang kalayaan.

Samantala,hindi pa nakakasuhan sa korte si Marlon Lopera, na umano’y mastermind sa pagdukot kay Tong.

Matatandaang inaresto ang anim sa isinagawang police operation sa kanilang hideout sa Riviera Mansion sa Mabini St. noong Marso 7 pagkatapos na matanggap ang ransom money na ibinayad ng biktima.

Nalaman na si Tong ay kinidnap ng apat na lalaki sa pangunguna ni Lopera, dakong alas-kwatro ng hapon matapos puntahan sa kanyang junk shop at arestuhin.

Nabatid na kinontak umano ng mga kidnapper si Joana, ka-live in ni Tong,at sinabi na kailangan ng P16-milyon ransom para sa kalayaan ni Tong.

Pagkabayad, ibinaba ng mga kidnapper si Tong sa Intramuros, Maynila, kung saan kaagad itong naagreklamo sa PCP Intramuros na nagdala sa kanya sa MPD-PS 5.

Nabuking na kasabwat si Joana matapos ang isinagawang imbestigasyon dahilan para maaresto ang iba pang kasamahan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply