6 tirador ng pawikan tiklo sa Palawan

INARESTO ng awtoridad ang anim Chinese national na iligal na nanghuhuli ng isda sa karagatan ng Palawan province, dakong 6:30 ng umaga kanina, Marso 25.

Ang illegal pouchers na pansamantalang hindi muna ibinunyag ang mga pangalan ay dinala sa Philippine National Police sa Balabac town para sa kaukulang disposisyon.

Ayon sa ulat, ang anim na dayuhan ay nadakip ng pinagsanib na puwersa ng Maritime Battalion Landing Team (MBLT), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Department of Environment anf Natural Resources (DENR).

Sa inisyal na imbestigasyon, ang mga dayuhan na tubong Hainan, China ay nadakip sa aktong nanghuhuli ng isda, pawikan at ilan iba pang lamang-dagat sa hilaga-kanluran ng Ramos Island sa Palawan.

Nakumpiska sa kanila ang 11-foot speedboat na may 60-hp engine; UHF radio at global positioning system (GPS) device, kabilang ang ilang kagamitang panghuli ng pawikan.

Nakatakdang makipag-ugnayan ang awtoridad sa embahada ng China para sa kaukulan pa ring disposisyon. Robert C. Ticzon/Anthony Vargas

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply