60 OFWs pa naiipit sa Misurata, Libya

MAYROON pang mahigit 60 overseas Filipino worker (OFW) ang naiipit sa gitna ng kaguluhan sa Misurata, Libya.

Sa panayam ng DZMM, sinabi ni Paul Hatulan, isang Filipino na nursing professor sa University of Misurata, na marami pang Pinoy sa lugar.

Karamihan umano sa mga ito ay mga guro sa nabanggit na unibersidad.

Kwento ni Hatulan, dalawang linggo nang kanselado ang pasok sa unibersidad na kanilang pinagtuturuan ngunit tila naka-house arrest sila upang hindi madamay sa karahasan sa paligid.

Sinabi rin ni Hatulan na wala rin silang magamit na sasakyan para makalikas patungong Tripoli.

Nangako naman si Atty. Ed Malaya, spokesperson ng Department of Foreign Affairs (DFA), na papupuntahan ng kagawaran ang mga nasabing OFW sa Misurata upang mailikas ang mga ito. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply