600 Pinoy pa mula Libya darating ngayon

AABOT sa 600 overseas Filipino worker (OFW) mula sa Libya ang nakatakdang dumating ngayon, Miyerkules.

Nauna nang dumating umaga ng Miyerkules ang 51 OFW lulan ng Cathay Pacific, habang nausod naman sa 2:30 p.m. ang pagdating sana ng 180 pa sakay ng MidEastern Airlines flight makaraang maantala ang kanilang biyahe.

Ayon sa Department of Labor and Employment (Dole) at Department Foreign Affairs (DFA), mahigit sa 4,000 OFW na mula Libya ang nakarating ng bansa bilang bahagi ng repatriation ng gobyerno at tulong ng mga employer.

Samantala, pumalaot na ang Ionian Queen mula Benghazi patungo ng Crete Island sakay ang 1,200 Pinoy 1 a.m. ng Miyerkules.

Ayon kay Nico Pamirunas, director ng Labor Communication Office, nagpaiwan ang maraming medical worker na nagtatrabaho sa mga ospital doon dahil humupa na umano ang tensyon sa lugar.

Sa kabilang dako, umaabot naman sa 1,241 Pinoy ang nakatawid na ng Tripoli patungo ng Djerba, Tunisia. Remate Online

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply