625 nakapasa sa Police Entrance & Promotional Exam

INILABAS na ng National Police Commission (NAPOLCOM) Region V ang resulta ng Philippine National Police o PNP entrance and promotional examinations.

Ang resulta ng pagsusulit na isinagawa ng NAPOLCOM noong ika-pito ng Nobyembre ng nakaraang taon ay inilabas ng Public Information Office (PIO) NAPOLCOM Region V.

Ayon sa resulta ng eksaminasyon, 625 ang bilang ng mga nakapasa mula sa 2,164 na kabuuang  bilang ng mga sibilyan at ng mga kapulisan na kumuha ng exam.

Para sa PNP entrance examination, 327 ang bilang ng mga pumasa mula sa 1,210 na bilang ng mga examinees.

At para naman sa mga kapulisan na kumuha ng promotional examinations, 163 ang bilang ng mga pumasa sa 580 bilang ng mga kumuha ng promotional examinations for Senior Police Officer.

Apat naman ang nakapasa mula sa 44 na kapulisan na nais maging Police Inspector habang isa lamang ang nakapasa mula sa 16 na nais namang ma-promote bilang Police Superintendent.

Ang susunod na eksaminasyon na isinasagawa ng NAPOLCOM dalawang beses kada taon ay sa April 17, 2011. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply