6,600 local jobs naghihintay sa OFWs galing Libya

MAY kabuuang 6,600 na trabaho sa bansa ang magbibigay ng oportunidad sa mga apektadong Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Libya na itataguyod ng US Embassy sa tatlong araw na Job Fair sa Marso 18-20 sa SM North EDSA.

Ito ang pinakabagong report na ipinadala ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Rosalinda Baldoz sa Malakanyang kahapon kaugnay sa paghahanap ng kuwalipikadong obrero ang ilang American-owned companies sa bansa.

Ani Baldoz, binubuo ng 33 American firms ang magkakaloob ng 6,600 bagong trabaho sa lahat ng interesadong aplikante, partikular na iyong mga inilikas na migranteng Pinoy mula sa kaguluhang nagaganap sa Libya.

Ilan sa mga trabaho na bubuksan ay sa sektor ng banking-retail na may 818 na bakanteng trabaho at ang Business Process Outsourcing (BPO) at call centers na may pinaka-malaking bulto ng pangangailangan na empleyado na aaboutin ng 3,000.

Habang meron din oportunidad na may kinalaman sa Information Technology (IT), engineering, hotels, energy, manufacturing, pharmaceuticals at semi-conductors.

Ang mga posisyon na hinahanap ay ang card and bank sales officers, customer service representatives, BPO agent at non-agent positions, enhinyero, machinist, electricians, marketing staff, HR generalists, accountants, technical officers, IT specialists at analysts.

“We highly appreciate the response of the American companies and mining firms in the country to this necessary and humane initiative led by DOLE which underscores the aim of President Benigno S. Aquino, III to ensure the protection and welfare of the OFWs, we shall ensure that these joint thrusts effectively ease the plight of the OFWs from Libya and their reintegration into economic mainstream,” sabi ni Baldoz. Axel Sam

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply