7 babae pinag-wrestling nang hubad sa Cebu

PITONG kabataang babae ang naaktuhang nagsasagawa ng catfighting o wrestling na nakahubad habang kinukuhanan ng video ng isang American national na inaresto ng mga tauhan ng Cebu PNP sa ulat ng pulisya.

Nabatid sa ulat na nakarating sa Camp Crame, ipinagbigay-alam ng mga kagawad ng Barangay Malbago sa Daanbantayan ang ginagawang pagkuha ng video ng American national na kinilalang si  Joseph Christian Bogo base sa kanyang hawak na passport.

Sa imbestigasyon, nakita umano ng mga tanod ang suspek kasama ang pitong batang babae na nagtatayo ng tent sa isang bakanteng lote sa isang mountain barangay.

Tinungo umano ng mga barangay tanod ang lugar upang magsiyasat at naaktuhan nila ang Amerikano habang kinukunan ng video ang mga nakahubad na babae kaya agad silang nagsumbong sa mga pulis.

Ayon kay P/Chief Inspector Rusty Santos hepe ng Daanbantayan Police Station  3, tatlo sa babae ay kumpirmadong menor-de-edad habang iniimbestigahan pa ang apat kung nasa wastong gulang na.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang  mini-DV cartridge at  video camera na ginamit sa pag-record ng mga batang nakahubo.

Sa himpilan ng pulisya, lumabas na binayaran ng Kano ang isang “Sheryl” ng P2,000 para magsagawa ng wrestling ng mga babaeng nakahubad, habang nangako namang magbibigay pa ng P1,500 sa babaeng mananalo. Verlin Ruiz

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>