7-buwan sanggol patay sa ukay-ukay

PATAY ang isang 7-buwang sanggol na lalaki matapos itong mabagsakan ng isang bulto ng ukay-ukay sa loob ng isang warehouse  sa Tondo Maynila, Martes ng hapon.

Kinilala ni P/Insp.Armand Macaraeg,hepe ng Manila POlice District-Homicide Section ang biktima na si Jherson Posadas Isturis, ng 1106 Juan Luna St.,Barangay 8 Tondo, Maynila.

Sa report ni PO2 Roderick Pacilan,dakong 4:30 ng hapon noong Martes, Marso 15 nang maganap ang insidente sa loob ng bodega ng Tripple 8  Trucking  Services sa kahabaan ng 1100 Juan Luna St., ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ni Pacilan,ipinagkatiwala  umano ni Jessica Isturis,ina ng bata, si baby Jherzon sa kanyang half sister na si Neriza Benitez upang alagaan ito dahil may gawain ito sa kanilang bahay.

Pinatulog umano ni Benitez ang biktima sa isang upuang kahoy  (wooden bench) na katabi ng mga bulto ng mga nakaplastic na damit.

Sa kasamaang palad ay bumagsak ang isang bulto ng ukay-ukay na may bigat na 45 kilo sa  natutulog na sanggol dahilan para magdugo ang bibig at ilong. nito.

Dahil sa nangyari, agad na itinakbo ni Benitez ang biktima sa Gat Andres  Bonifacio Hospitalsubalit idineklarang  dead on arrival ang sanggol dakong 5:15 ng hapon.

Napag-alaman na si Benitez ay kinakasama ng caretaker ng nasabing bodega na si Jose Sese kung saan stay-in ang mga ito dito..

Samantala, dinala naman ang biktima sa St.Yvann Funeral Homes para sa autopsy at safekeeping. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply