Pitong-buwang fetus itinapon sa kalye

NADISKUBRE sa center island ng Jose Abad Santos ave., Tondo, Maynila ang isang kahon na naglalaman ng fetus hapon ng Miyerkules, Marso 2.

Sa interbyu kay Det. Roderick Pacilang ng Manila Police District – homicide section nitong Huwebes, Marso 3, dakong alas-kwatro ng hapon noong Miyerkules ay itinawag sa kanilang tanggapan ang nadiskubreng lalaking fetus, na tinatayang pitong buwan na.

Nabatid kay Samuel Sawid, miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), na siya mismo ang nakapansin sa isang kahon.

Inakala umano niyang naiwan lamang ito ng mga naglilinis sa lugar kaya’t binuksan niya ito. Laking gulat niya nang ang tumambad sa kanya ay isang plastic na may lamang fetus.

Sariwa pa umano ang dugo ng fetus at hinihinalang kaluluwal pa lamang nito. Rene Crisostomo

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply