80 Pinay na gagawing pokpok sa Malaysia na-rescue

WALUMPUNG kababaihang Pinay na hinihinalang gagawing mga commercial sex workers sa Malaysia ang na-rescue  ng mga awtoiridad bago pa makasakay ng isang chartered aircraft sa Zamboanga City international Airport.

Ayon sa impormasyon na ibinahagi sa tanggapan ni PNP Public Information Office chief P/Chief Supt Agrimero Cruz mula sa Police Center for Aviation Security may intelligence report silang nakalap Biyernes ng umaga na may mga biktima ng illegal recruitment ang ilalabas ng Pilipinas at isasakay sa isang chartered aircraft.

Nabatid pa ng PNP kay  Zamboanga City  Airport Manager Celso Bayabos na isang chartered plane ang dumating sa paliparan noon pang Miyerkules ng gabi na umanoy may isasakay na mga kababaihan.

Ayon kay P/Supt Peter Rosano Donato, naghinala sila sa presensiya ng arkiladong eroplano at bakit puro babe lamang mula sa ibat ibang lalawigan na may edad na 20 anyos hanggang 30 taong gulang lamang ang isasakay ng mga ito at walang dalang sapat na halaga para maging turista sa iabang bansa na siyang nakasaad sa kanilang mga pasaporte.

Agad na inalerto  ng mga awtoridad ang kanilang mga kasamahang ahensiya sa ilalim ng katatagtag na Sea-Based Anti-Trafficking Task Force (SBATTF) at iba pang  member-agencies  para masabat ang pag alis ng mga may 80 baabe na dadalhin umano sa Kota Kinabalu, Malaysia.

Sa sinagawang preliminary investigation ay lumalabas na may hawak ang mga biktima ng passport na nagsasabing mga turista sila subalit at walang ma-ipakitang working visas.

Pinangakuan umano silang dadalshin at magtratrabahosa Jordan at Lebanon kaya hininalang pawing mga biktima ang mga ito ng  human trafficking.

Sa kasalukuyan ay inilagay sa kustodiya ng  Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 46 na kababaihan habang  20 naman ang inilagay sa pangangalaga ng  Visayan Forum, at 14 ang isinailalim sa pagsisiyasat ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ipinag-utos naman ni Zamboanga City Prosecutor Ricardo Cabaron sa SBATTF na pansamanataklang pigilan ang pag alias ng nasabing chartered plane na sinasabing maghahatid sa mga babae sa MALAYASIA.

“It is important to know who the charterer is, why are they here,” ayon s apiskal bagamant nabatid na kumpleto ang mga requirements nito gaya ng  Customs Immigration and Quarantine certificate, at  entry and exit clearance bago pa ang biyahe nito sa o Zamboanga City.

May pananagutan din umano ang aircraft crew dahil hindi nila ipinagbigay alam sa mga awtoridad kung sino ang kanilang mga isasakay. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply